Malapit na ring maging published author ang American rapper na si Lil Nas X o si Montero Lamar Hill sa totoong buhay. Nagpahayag ito ng pagkasabik sa kanyang ilalabas na librong pambata ngayong darating na 2021.
Sa isang tweet nito, inanunsyo niyang nakatakdang ilabas ang kanyang librong “C for Country” sa Enero 5, 2021. Aniya, maituturing itong “best kids book of all time” at hindi na siya makapaghihintay na mailabas ito.
Samantala, ayon sa publisher ng libro maari nang mag preorder ang mga interesado sa Barnes and Noble, Amazon, Target at iba pang book sellers.