Dahil sa limitado lamang, maari nang maka avail ang mga medical frontliners ng libreng flights na inaalok ng AirAsia Philippines patungo at pabalik ng General Santos City at Zamboanga.
Maari nang maka avail ng libreng flights ang mga medical frontliners patungo o pabalik ng General Santos at Zamboanga City.
Sa panayam ng SMNI News kay Steve Dalisan ang spokesperson ng AirAsia Philippines, sinabi nito na bukas na ang naturang airlines na tumangap ng mga medical frontliners na maaring makakuha ng libreng flights sa mga nabanggit na ruta.
Ayon kay Dalisan, ang iniaalok na libreng flights ng AirAsia sa mga frontliner ay bahagi ng pagkilala sa mga ito bilang mga bayani sa harap ng pakikipaglaban sa gitna ng pandemya at bilang bahagi na rin ng inaugural flights ng AirAsia Philippines patungo at pabalik ng General Santos at Zamboanga City.
Dagdag pa ni Dalisan, ang travel period para sa mga medical frontliners na ay mula sa Oktubre 25 hangang Disyembre 31 ng taong ito, mula Oktubre 27 naman hangang Disyembre 31,2020 ang patungo at pabalik ng Zamboanga City.
Dahil sa limitado lamang ang pag avail ng libreng flights ng mga medical frontiliners, first come first first served basis lamang ito para sa 100 round trip passenger sa pagitan ng Manila at Zamboanga at 100 round trip din para sa Manila –General Santos city o vice versa.
Kabilang ang mga doctor, nurses, medical technologist, radiologic technologist, hospital pharmacist at hospital orderlies na mga aktibong nagseserbisyo at mga pawang naninirahan sa General Santos at Zamboanga ang mga frontliner na maaring makavail sa naturang flights.
Sa pag file ng form, ang mga medical professionals ay kinakailang ilakip ang kanilang valid hospital ID na may larawan, Professional Regulation Commission (PRC) license, at Certified Proof of Attendance sa panahon ng community quarantine period.
Habang ang mga hospital orderlies naman ay dapat nakalakip din ang larawan kasama ng valid hospital ID, Certificate of Employment, at Proof of Attendance sa panahon ng community quarantine period.