Mayroon ng storage facility para sa coronavirus vaccines ang capital city ng probinsya ng Albay na plano nitong bilhin para sa mga residente nito.
Ito ang kauna-unahang local government unit sa rehiyon ng Bicol na magkakaroon ng cold facility storage upang maiimbak nang maayos ang mga bakuna.
Nakipagtulungan ang Legazpi sa Glacier Liberty Refrigeration Services Corp. upang gamitin ang 3,500-square-meter- refrigerated warehouse nito sa Barangay Bonot para sa mga bakunang inaasahang darating sa unang bahagi ng taon.
Ayon kay Mayor Noel Rosal, maliban sa Pfizer BioNtech vaccine, maaaring maiimbak ang mga bakuna na galing sa British-Swedish Pharmaceutical Company AstraZenaca, Covovac ng India, Sinophram at Sinovac ng India, at Gamelaya-Sputnik ng Russia.
Ang refrigeration ng pasilidad ay maaaring bumaba ng hanggang minus 25 degrees at makapag-imbak ng hanggang 10 million doses.
Bukod dito ay ilulunsad na rin ng lungsod ang quick response (QR) codes preparation para sa mass vaccination sa 70 bayan ayon kay Jesus Baldo, ang QR program director ng lugar.
Ang mga residente ng Legazpi ay maaaring mag register at makuha ang kanilang QR codes sa online platform ng syudad.