Labing-tatlong vaccination sites ang ilalaan ng Las Piñas City para sa COVID-19 vaccination program.
Ayon kay Las Piñas City Mayor Mel Aguilar, sa District 1 at 2 ang lokasyon ng nasabing vaccination sites para sa sistematikong pamimigay ng bakuna.
Para na rin aniya matiyak na nasusunod ang minimum health standards.
Karamihan sa vaccination sites ay paaralan at covered court gaya ng CAA Elementary School, Manuyo Uno Elementary School, Aguilar Sports Complex at Almanza Uno Covered Court.
Samantala, bukod naman sa pitong pre-registration sites ay pinagplanohan ring magtalaga ng karagdagang tatlong lugar para sa magpaparehistrong mga residente.