Inanunsyo nina KZ Tandingan at TJ Monterde kamakailan na nag-isang dibdib na sila.
Ayon sa mga nakasaksi, naganap ang secret wedding sa isang resort sa Batangas noong Agusto 28, 2020.
Kinumpirma naman ito ni KZ sa pamamagitan ng pag-uupload niya ng music video nila ni TJ sa You Tube na may pamagat na “Can’t Wait To Say I Do” at sa katapusan ng video ay nakalagay ang “Just Married 08.20.20.”
Gayunpaman, kahit naganap ang kasalan sa gitna ng pandemya ay mas inuna parin nila ang kanilang mga safety kung kaya’t makikita sa i-pinost na larawan ng “Labellefete” na kinuhanan ng larawan ang mag-asawa sa tabi ng isang monitor kung saan nandun ang mga pamilya nilang hindi nakadalo.
Samantala, naging matiwasay naman ang kasal at pinaulanan ng pagbati ang bagong mag-asawa.