Photo Credit: Kami
Nakatanggap ng ‘best Christmas gift ever’ ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto matapos magpositibo sa pregnancy test ang aktres.
Sa anunsyo ng mag-asawa, ibang klase ang sorpresa ng Panginoon sa kanila ngayong Kapaskuhan.
Ang naturang kumpirmasyon ay ginawa nina Kristine at Oyo sa pamamagitan ng pagpost ng aktres ng sonogram at larawan ng resulta ng pregnancy test sa kanyang Instagram.
Ipinagdasal naman ng buong pamilya Sotto na babae ang magiging panglimang miyembro ng kanilang pamilya.
Kinilala naman ang apat pang mga anak nina Kristine at Oyo na sina Kiel, Ondrea, Kaleb at Vin.