NATUWA ang maraming mga Kpop fans kay actress Kim Chiu matapos nitong maglabas ng dance cover ng kantang “Not Shy.”
Orihinal na awit ang “Not Shy” ng Korean rookie girl group na ITZY.
Ayon sa komento ng netizens bukod kay AC Bonifacio hindi cringy ang dance cover nito dahil sinayaw talaga nito ng buo ang kanta hindi puro pa-cute lang.
Dagdag pa ng mga netizens, nakakatuwa dahil nagbigay talaga ng effort ang aktres sa ginawang dance cover pagdating sa set, outfits at visual.
Samantala, ayon kay Kim mula noong quarantine ay lagi siyang nanonood ng mga Kdrama’s at naging fangirl din siya ng mga grupong Blackpink, TWICE at ITZY.