Asahan na magkakaroon ng matinding kompetisyon sa pagitan ng mga telecommunication companies oras na mag-operate ang mga bagong telco players.
Ito ay ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) kung saan ito umano ang pinakamabisang paraan upang mapukpok ang Globe Telecom at Smart Communications na pagbutihin ang kanilang mga serbisyo.
Ani NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, sobrang agresibo ang ikatlong telco player na DITO Telecommunity na inaasahang magbubukas sa susunod na taon.
Kung kaya naman aniya ay tiyak na mapapalaban ang dalawang incumbents upang mapanatili ang kanilang mga customers.
Bukod pa dito, inaasahang magbubukas ng operasyon ang Red Broadband sa 2021 kung kaya inaasahan ng NTC na magkakaroon ng matinding kumpetisyon sa pagitan ng mga telcos na magreresulta ng mas maganda at mabilis na serbisyo.