Lubos na nagpapasalamat si Khalil Ramos sa GMA Network sa buong pusong pagtanggap sa kanya.
Sa isang Instagram post ng singer-actor kinumpirma niya na opisyal na siyang Kapuso sa caption niya “A New Chapter, A New Home.”
Dagdag pa nito na nakakataba ng puso ang pagtanggap sa kanya ng GMA Network.
Nagpasalamat din si Khalil sa super supportive girlfriend niya na si Gabbi Garcia na sa wakas ay makakasama niya na sa mga palabas.