Binalaan ng National Bureau of Investigation-Dagupan District Office ang publiko hinggil sa dumaraming kaso ng online identity theft.
Ayon kay NBI-DADO Special Investigator Roberto Gonzales, simula nang mag-umpisa ang pandemya, nakapagtala sila ng labindalawa hanggang tatlumpong online identity theft kada buwan kumpara noon na sampu lamang kada buwan.
Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na huwag mag-post ng mga sensitibong impormasyon sa social media para hindi mabiktima ng mga manloloko.
Dagdag pa ng NBI, maaring maghain ng reklamo sa kanilang tanggapan ang sinuman na nakararanas ng identity theft.
Ayon pa kay Gonzales, talamak ngayon sa internet ang mga criminal, scammer, at swindlers lalo na ngayon na mas marami ang gumagamit nito sanhi ng pandemic COVID-19.
Ani Gonzales, kalimitan sa mga scammer ay nagnanakaw ng mga impormasyon o larawan ng isang tao na gagamitin sa kanilang panloloko sa ibang mga tao.