Maaring umabot na sa 800-K ang kabuoang bilang ng kaso ng COVID-19 bago matapos ang taong 2021.
Ito ang inihayag ng mga experto mula sa University of the Philippines.
Dagdag pa sa nasabing pag-aaral, maaring mag-range ang kabuoang kaso mula 700-K hanggang 1 million at maaring umabot sa 19,000 ang mga masasawi sanhi ng COVID-19.
Ang resulta ng pag-aaral ay kung patuloy na ipatutupad ang minimum health standards sa bansa.
Ayon kay Jomar Rabajante ng UP PRT, maaring patuloy na bumaba ang pagdagdag ng kaso ng COVID-19 sa 2021 kung paiigtingin ang contact tracing, isolation at pagsunod sa minimum health standards.
Ani Rabajante, kinokonsidera na rin sa nasabing pag-aaral ang pagkakaroon ng bakuna sa gitnang bahagi ng 2021 kung saan nasa 1,500 ang maaring mabakunahan kada araw.