TARGET na matatapos ngayong buwan ng Nobyembre ang karagdagang modular hospital sa loob ng Lung Center of the Philippines o LCP Compound sa Quezon City.
Ayon sa inanunsyo ni Isolation Czar at Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ito ay inilaan para sa mga katamtaman hanggang sa malalang kaso ng COVID-19. Sinabi naman ni Undersecretary Emil Sadain, na siyang namumuno sa DPWH Task Force to Facilitate Augmentation of Local and National Health Facilities, saklaw ng naturang proyekto ang walong silid na may tig-dadalawang bed.