Photo Credit: Wikipedia
Naniniwala si Japan Justice Minister Yoko Kamikawa na kailangan ng reporma sa justice at judicial system ng bansa.
Kinakailangan umanong makasabay ang bansa sa mga pagbabago noong mga nagdaang taon na nagdulot ng kritisismo sa gobyerno.
Ayon pa kay Kamikawa, kinakailangan din umanong mas maging pamilyar sa publiko ang sistema ng bansa.
Sa isang interview, pinanindigan ni Kamikawa ang katagang sa isang sosyodad walang ni isang nakakalamang at walang naiiwan.
Sinabi rin ni Kamikawa na dapat ay isaayos ang mga polisiya na nakakaapekto rin umano sa mga dayuhang naninirahan sa Japan.
Kabilang na nga rito ang kawalan ng trabaho ng mga ito dahil sa pandemya.
Pinaplano rin ni Kamikawa na magsumite ng panukala ukol sa mga problema na kinakaharap ng mga asylum seeker.