Isa si Julia Barretto sa mga bata pa lamang ay successful sa kanyang career bilang artista kaya naman ay may mga naipon na ito.
Magugunita na tuluyan nang humiwalay si Julia sa kanyang pamilya at kasalukuyang namumuhay sa sarili niyang bahay.
Sa bagong vlog ni Julia o ang closet tour niya, hinangaan ito ng netizens sa pagiging humble at pagiging mature pagdating sa paghawak ng pera.
Ayon kay Julia simula nang lumipat siya sa sarili niyang bahay siya na ang nagmamanage ng finances niya mula sa water, electricity, at pampasahod ng mga kasambahay niya.
Dagdag pa ni Julia, naging kuripot na siya at mas inuuna na lamang ang bagay na importante. Nagbiro pa nga ito na yung ibibili niya ng designer clothes ipambabayad niya na lang ng Meralco.
Samantala, maraming humanga sa dalaga at natuwa sa pagiging wais nito sa paghawak ng kanyang mga finances.