Haharap sa kasong cybercrime ang dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa ipinakalat nitong ‘fake news’ tungkol sa aktres na si Julia Barreto.
Kamakailan lang ay nagpunta si Julia kasama ang kanyang ina sa cybercrime division ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa naturang reklamo laban sa dating broadcaster.
Magugunita na nitong Setyembre 21, nagpost si Jay sa kanyang Facebook page at sinabing buntis ang aktres at si Gerald Anderson ang tatay.
Ayon sa aktres, hindi niya palalagpasin ang insidenteng ito.
Aniya, “untrue” at “irresponsible” ang ipinakalat na balita ni Jay.