Mukhang embarking on a new beginning ang longtime partners na sina Jia Morado at Miguel de Guzman.
Ito ay matapos nilang ianunsyo na engaged na sila sa isa’t isa at haharapin nilang sabay ang bagong kabanata ng kanilang buhay.
Ibinahagi ni Jia sa kanyang Instagram post na “on October 1, at exactly 11:11 am, my wish came true” at iyon nga ang ma-engage sa kasintahan niya na si Miguel.
Magugunita na si Jia ay isa sa pinakahihangaan na balibolista sa bansa at siya rin ay former team captain ng Ateneo de Manila University Women’s Volleyball Team.
Sa kabila nito, inulan ang dalawa ng pagbati at masayang masaya ang lahat para sa kanila.