NAGLUNSAD ang bansang Japan ng Cancer Research Project upang matulungan ang mga bansa sa Timog Silangang Asya sa tumataas na bilang ng pasyente ng kanser.
Kabilang sa proyektong ito ng National Cancer Center Japan ang mga bansang Malaysia, Vietnam, Thailand, Indonesia at Pilipinas.
Layunin naman ng proyektong ito na maka-develop ng panibagong uri ng therapies para sa hindi pangkaraniwang uri ng kanser.
Makakatulong din ang proyektong ito upang magkaroon ng oportunidad ang mga nasa labas ng bansang Japan na makatanggap ng advance treatment.
Gumagamit ang cancer genomics ng teknolohiya gaya ng sequencing upang makilala ang pagbabago ng DNA at matulungan ang mga doktor na lumikha ng customized na gamot para sa treatment ng kanser.
Sa pamamagitan ng clinical trials sa mga pasyente sa ilang mga bansa, ang proyektong ito ay inaasahang makatutulong sa pag-develop ng prospective drugs.
Matatandaang ilang bahagi ng Southeast Asia ang kulang sa sistemang medikal at nangangailangan na tugunan ang tumataas na bilang ng cancer patients kasabay ng pagtaas ng bilang ng populasyon nito.