Usap-usapn na nagparetoke si singer-songwriter Janine Berdin na makikita sa mga kumakalat na larawan nito na tampok ang pinagbago ng itsura niya o ang kanyang quarantine glow-up photos.
Siyempre pa ay mayroong mga sumuporta kay Janine at hindi rin mawawala ang mga bumabatikos.
Pahayag naman ng singer tungkol sa kanyang transformation, “let’s not condemn change.”
Dagdag pa niyang dapat ay huwag matakot na magbago kung para naman ito sa ikabubuti at ikakasaya ng isang tao.
Aniya, may kasabihan nga sa bisaya na “ang masuya madeads” o sa tagalog “mamatay na ang mainggit.”