NAGBUKAS ng COVID-19 center ang Bureau of Immigration (BI) sa loob ng New Bilibid Prisons compound sa Muntinlupa City para sa mga dayuhang bilanggo.
Magsisilbing quarantine ward ang bagong bukas na pasilidad para sa mga bilanggo o persons deprived of liberty o PDLs na nagtataglay ng mild hanggang sa moderate na sintomas ng COVID-19 virus, ayon kay BI Warden Facility (BIWF) Chief Remiecar Caguiron.
Ang proyektong ito ay inisyatibo ng International Committee of the Red Cross, Department of Justice at ng Bureau of Corrections upang maiwasan ang paglaganap ng delikadong virus.
Aniya, nalalantad sa panganib ng COVID-19 ang mga preso at mga kawani kaya mahalagang nakabukod ang mga may COVID-19 na bilanggo.