Kunumpira ng Department of Labor and Employment na marami ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na pumirmi na sa Pilipinas ang nakapagsimula na ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng livelihood and OFW Enterprise Building Programs sa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Inihalimbawa ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga OFW na si Rolly Real na nagbalik bansa mula sa Bahrain, Florabel Gillo mula sa Kuwait at Marilyn Beierly mula sa Malaysia.
Si Real anya ay nakinabang na sa 10-day Free Information Technology Training Program para sa kanyang water refilling station at one-stop-shop bayad center.
Sina Gillo at Beierly naman anya ay nakinabang na sa Balik Pinas! Balik Hanapbuhay! program, kung saan ay mayroon itong livelihood assistance na nagkakahalaga ng maximum P20,000 na panimulang puhunan.