Tampok ang millennial twins sa kantang pinamagatang “Igsuon Ko” (my sister/brother), ang ipinalabas na official video ng probinsiya ng Cebu.
“I am inspired by my fellow Cebuanos who continue to act responsibly in this pandemic and are vocal about following the proper health protocols,” ayon kay Cebu City Mayor Edgardo Labella.
Ipinapahiwatig ng video sa mga Cebuano na huwag kalimutan ang mga basic health standards gaya ng paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng physical distancing.
Ipinapaalala rin nito na hindi dapat magkumpiyansa bagkus laging maging mapagmatyag upang matiyak na ligtas laban sa coronavirus.
Mahalaga rin ang pagligo pagkadating ng bahay mula sa mga lakad sa labas at pananatili sa loob ng bahay kapag wala namang importanteng pupuntahan.
Samantala, ang GCQ sa probinsya ng Cebu ay matatapos sa Oktubre a-uno.