BINUKSAN na muli sa publiko ang sikat na Hong Kong Disneyland.
Bilang pagsunod sa tagubilin ng health and government authorities, mas lalo pang pinaigting ang pagpapatupad ng safety measures tulad ng pagkakaroon ng health screenings, temperature check, mandatoryo na pagsusuot ng mask, social distancing at ang palagiang paglilinis at disinfection.
Nakabukas lamang ito sa publiko ng limang araw sa isang linggo. Samantala, nakasarado naman ito sa araw ng Martes at Huwebes.
Sa mga nais mamasyal sa parke, kailangan munang magpareserba ng araw at balidong tiket o membership cards sa website ng Hongkong Disneyland Park, bago pa makapunta ang mga ito.
Bibigyan naman ng Hongkong Disneyland ng membership extension ang mga myembrong may hawak ng magic access kung saan simula Setyembre a-bente dos, maaari na nilang matanggap ang petsa ng araw ng kanilang pagbisita.
Pinapayuhan din ang lahat ng gustong pumunta sa parke na magbigay ng kanilang health declaration bilang parte sa pagpoproseso ng kanilang pagpunta.