SINAGOT ng Hashtag member na si Nikko Natividad ang pag-kwestyon ng ilang tao sa 4 million pesos na nakuha mula sa kaniya ng isang investment scammer.
Galit na bumwelta si Nikko sa mga tahasang nagtatanong kung bakit mayroon siyang ganong kalaking pera.
Giit ng actor-dancer, pinaghirapan niya ang kaniyang mga ipon sa pagsabak sa showbiz at negosyo sa loob ng limang taon.
Aniya, hindi aniya imposible na maka-ipon siya ng ganong kalaking halaga lalo’t tinatapos niya ang anumang klase ng trabaho sa showbiz maging ang pag-extra.
Nagsimula ang pagkwestyon sa ipon ni Nikko nang ilahad ito sa isang tabloid sa pamamagitan ng isang blind item.
Magugunitang isiniwalat ng Hashtag member na nabiktima ito ng investment scam kung saan nagsimula ang pagkwestyon sa ipon ni Nikko nang ilahad ito sa isang tabloid sa pamamagitan ng isang blind item.
Nabiktima ito ng investment scam kung saan 4 milyong piso ang natangay sa kaniya ng negosyanteng si Sha Punzalan.