INILABAS na ng Commission on Higher Education (CHED) ang guidelines para payagan ang mga student athlete na makakabalik na sa page-ensayo.
Ayon kay CHED Chair Prospero “Popoy” de Vera, hindi kuwestyon kung kailan kundi kung gaano kabilis nilang masusunod ang guidelines.
Gayunman, ang protocols na ginawa ay limitado lamang sa team drills, workouts, at body conditioning habang hindi naman papayagan ang scrimmages.
Mayroon ding age requirements na kailangang sundin gaya ng ang mga 18-21 year-old-athletes ay dapat na makapagbigay ng parental consent habang ang mga mababa sa 18 taong gulang ay limitado lamang sa online training.
Matatandaan na ang parehong NCAA at UAAP ay tinanggal na ang posibilidad ng pagdadaos ng kanilang season ngayong taon at sinabing maaaring ituloy na lang ito sa unang quarter ng susunod na taon kung maayos na ang kondisyon ng COVID-19 sa bansa.
Gayunman, kumpyansa naman si De Vera na magkakaroon ng competition proper kung maayos na masusunod ang guidelines.