Opisyal nang nasipa ang grupo ni Thirdy Ravena na San-En Neophoenix 2020-2021 Japan B League matapos itong makatanggap ng magkasunod na pagkatalo laban sa Akita Northern Happinets.
Sa ikalawang magkasunod na laro ngayong holiday season, parehas na natalo si Ravena at ang grupo nito sa isang lopsided defeat na nagtapos sa iskor na 85-53.
Sa huling laro ay nakapagtala lamang ang Pinoy import ng five points, four boards at five assists para sa Neophoenix.
Sa kabila nito ay mayroon pa ring aabangan si Ravena dahil sa lalahok naman ito sa B.League all-star game at slam dunk contest na gaganapin sa Jan. 15-16 sa Mito, Japan.