• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer
  • #
  • Home
  • Digital Archive
  • Advertise with Us
  • About Us
  • Contact Us
  • January 20, 2021

Pinas USA

The Filipino's Global Newspaper

  • Cover Stories
  • National
  • Feature
  • Fil-Am
  • Foreign
  • Opinion
  • Sonspeak
  • Health
  • Lifestyle
  • Sports
  • Showbiz
  • Fun Page
You are here: Home / Feature / Good Vibes News
Feature

Good Vibes News

Angel Pastor4 months ago

Good Vibes News in Angel Pastor.

Na-mimiss ang mga estudyante!

KINAALIWAN ang isang guro mula sa Cebu na nakaisip ng ideya para kahit papaano ay maibsan ang pagka-miss sa kanyang mga estudyante.

Nakaramdam umano ng kalungkutan habang nasa loob ng silid si teacher Pinky Donire, habang gumagawa ng module.

Kaya naman naisipan nito na mag-print ng mga life-size picture ng kaniyang mga estudyante at saka ito idinikit sa kani-kanilang upuan.

Ito umano ay para maramdaman pa rin niya na present ang mga bata kahit nasa modular distancing learning na.

Labis na kinaaliwan naman ng mga netizen ang naisip ng guro.

Pabirthday ng “new normal”

KUNG dati rati ay nakagawian na nating mga Pinoy ang magdiwang ng kaawaran, may handaan, kainan kasama at pamilya at kamag-anak.

Ngunit tila ngayon ay tuluyan na itong binago ng pandemya, dahil imbes na magkaroon ng mga handa o children’s party para sa ikaapat na kaarawan ng anak, naisipan ng isang ina na turuan ng mabuting asal at pagtulong sa kapwa ang kanyang anak.

Habang nakasuot kasi ng red ranger costume ang batang si JK, sila ay namahagi ng groceries sa mga kapus-palad na mga Pinoy sa daan.

Kahit anila, naging mahirap ang panahon dahil sa pandemya ay nakatanggap pa rin sila ng biyaya na nararapat lamang na ibahagi sa iba.

Tuwang-tuwa naman ang apat na taong gulang na bata dahil kahit walang party, naranasan naman niya ang maging real life superhero at makatulong sa kapwa.

Philippine banknotes, binigyang buhay ng isang Filipino artist

ISANG Filipino artist ang nag-viral sa social media matapos ang kanyang recreated digital artworks sa mga perang papel ng Pilipinas.

Kinilala ang artist na si Adlai Jawid ng Kulay Colorization, kung saan mas binigyang buhay pa nito ang harap na bahagi ng bawat perang papel na nagtatampok ng mga prominenteng tao ng bansa, habang ang kabilang bahagi ay naglalarawan ng mga landmark at hayop.

Kasama na rito ang colorization, photo manipulation at ilang overlays sa kanyang artworks.

Matatandaan, ang mga perang papel ng Pilipinas ay sumailalim sa massive redesign noong 2009 na may enhanced security features at ang pagpapahusay ng durability nito.

Sumailalim din ito sa mga pagbabago noong 2017, 2019, at 2020 kasama na dito ang windowed security thread para sa ₱100, ₱200, ₱500, ₱1000 banknotes na may mga indigenous weaving patterns.

Isang bata, nanonood ng educational program sa isang wifi kiosk

KINABILIBAN ang isang batang lalaki na nanood ng educational programs at cartoons sa isang wifi kiosk sa smart station sa España Blvd., Manila. 

Sa Facebook post ni Marc Joseph Austria, nakakatuwa aniyang makita ang bata na nakagawa ng paraan para libangin ang sarili.

Saad pa ni Austria, may suot-suot pang earphone ang bata para mapakinggan ang pinapanood.

Turan ng netizens na dapat ay makapag-install ng outdoor o public monitors sa mga istasyon ng mga MRT at LRT para sa mga batang gustong mag-aral pero walang TV upang makapanood ng DepEd channels.

Umani naman ng papuri ang pagsusumikap na ito ng bata.

Feature Good Vibes

SUBSCRIBE TO PINAS USA — THE FILIPINO’S GLOBAL NEWSPAPER

To receive a digital copy of new PINAS USA issues, enter your name and email address below and click on the Subscribe button.

Latest News

Anong meron para kay Juan sa 2021?
Quincy Joel V. Cahilig 3 days ago
Bagong Taon, Bagong Pagasa
Jane Martin 3 days ago
Felix Manuel: Ms. Universe Pageant 2021 may be disrupted for the first time by covid-19
Marivir R. Montebon 2 days ago
Kauna-unahang artificial cornea transplant, isinagawa sa UAE
Shekinah Dequiña 2 days ago
Teknolohiya sa pagsulong ng Kalusugan
Eugene Flores 2 days ago
Disiplina sa pag-aaral ay tiyakin, tulungan silang gawin ang takdang-aralin
Ana Paula A. Canua 2 days ago
Mga ginawang bakuna, maari pa ring panlaban sa bagong strain ng virus mula sa UK ayon sa isang eksperto
Vic Tahud 3 days ago
America under siege
Perry Diaz 2 days ago
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, maaring umabot sa 800-K bago matapos ang 2021 — UP expert
Vic Tahud 3 days ago
Morisette Amon at BF na si Dave Lamar engaged na
Justine Nazario 2 days ago
The Absolute Glorification (Part 4)
Pastor Apollo C. Quiboloy 2 days ago
Andre Paras, pasok na sa 2021 PBA draft
Editorial Team 2 days ago

Thoughts? Add a comment below

Footer

PINAS USA - The Filipino's Global Newspaper
Address: 14533 Vanowen St., Suite B, Van Nuys, CA 91405
Phone: (909) 534-5465
Email: [email protected]

Quick Links

  • About Pinas USA
  • Advertise with Us
  • Digital Archive
  • Contact Us
  • Terms of Use and Privacy Policy

News Categories

  • Cover Stories
  • Feature
  • Fil-Am News
  • Foreign
  • Fun Page
  • Health
  • Lifestyle
  • National
  • Opinion
  • Showbiz
  • Sonspeak
  • Sports

News Archives

  • January 2021
  • December 2020
  • November 2020
  • October 2020
  • September 2020
  • March 2020
  • February 2020

Tags

2021 Budget Anti-corruption Anti-Terrorism COVID-19 DBM DENR Department of Agriculture DepEd Disaster Response DOH DOJ DOLE Donald Trump DOT DOTr DPWH DSWD DTI Dubai Duterte Administration Economy Good Vibes IATF Japan K-POP Leni Robredo Metro News NBA NDRRMC OFW PBA PDEA PhilHealth Philippines Tourism PNP Provincial News PRRD Russia South China Sulu Twin Bombings Technology Thailand United Kingdom West Philippine Sea WHO

Copyright © 2021 · Pinas USA — The Filipino's Global Newspaper · All Rights Reserved · Website Developed by NorthZen Media