Tiwala ang pamahalaan na magtutuloy-tuloy na ang bangon ng ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Ayon kay Acting Socio Economic Planning Sec. Karl Kendric Chua, “encouraging” ang prospects para sa taong 2021.
Aniya, ito ay dahil na rin sa patuloy na isinasagawang calibrated opening ng mga negosyo at mass transportation at gayundin sa pagluwag ng age group restrictions.
Dahil aniya dito ay maaasahan ang mas marami pang economic activity sa mga susunod na buwan.
Naniniwala rin si Chua na magbubunga ito ng malakas na recovery bago matapos ang taon lalo sa panahon ng pagsisimula ng rollout ng COVID-19 vaccine.
Umaasa ang pamahalaan na muling tataas ng 6.5% hanggang 7.5% ang GDP ng bansa sa ngayong taon at 8% hanggang 10% sa 2022.