Nanganak na si super model Gigi Hadid ng first baby nila ng kanyang long-time boyfriend na si Zayn Malik.
Sa tweet ni former One Direction member na si Zayn Malik sa Twitter kamakailan, inanunsyo nito na isinilang na sa mundo ang kanilang baby girl.
Batay sa caption ni Zayn ang kanilang unica hija ay naipanganak na “healthy & beautiful.”
Kung gaano kasaya ang magkasintahan sa pagdating ng kanilang baby daughter ganun din ang pamilya, kaibigan at tagahanga ng dalawa.