Sa kabila ng pagkwestyon ng karamihan sa pagkakatalaga ni Pangulong Duterte sa kanya bilang PNP Chief ay nanindigan si Police Major Gen. Debold Sinas na karapat-dapat siya sa pinakamataas na posisyon sa kapulisan.
Matatandaan na bago ito maupo bilang Chief PNP, sumikat si Sinas matapos mabuking ang kaniyang “mañanita” habang umiiral ang lockdown kung saan ipinagbabawal ang malaking pagtitipon para maiwasan ang pagkalat noon ng COVID-19 virus.
Dahil dito, sinampahan na ng reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office si Sinas at iba pang opisyal ng PNP na namataan sa party.
Subalit sa panayam sa NCRPO, sinabi ng bagong chief na dapat nang mag move-on ang lahat sa mañanita issue.
Sa kaniyang bagong trabaho, tiniyak nito na patuloy niyang isusulong ang lahat ng mandato ng pangulo laban sa korapsyon, iligal na sugal at droga, krimen at insurgency.
Sa kabila ng mga kuwestyon sa kaniyang kakayahan, narito naman ang sagot ni Sinas sa kaniyang bashers.
Nauna nang nagtayo ng station health units o SHU ang NCRPO sa lahat ng police districts sa Metro Manila. Ito ay para maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa hanay ng kapulisan.
Mandato ng SHUs na imonitor ang health status ng mga pulis sa kanilang nasasakupan.
Ang NCRPO naman ay may sarili nang emergency treatment facility sa loob ng Camp Bagong Diwa.