Photo Credit: Facebook
Matapos hagupitin ng sunod-sunod na bagyo ang Pilipinas, iminungkahi ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co na dapat gawing disaster-resilient ang mga bahay at gusali sa bansa.
Naniniwala si Co na “long overdue” na para baguhin ang pamamaraan sa pagtatayo ng mga bahay at gusali dahil normal na sa bansa ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol at pagbaha.
Dapat umanong isama sa National Building Code o RA 6541 na gawing disaster-resilient ang mga bahay at gusali na ipapatayo.
Kasabay nito ay nanawagan si Co sa mga engineer, architecture, housing development, at environmental planning expert na tulungan ang Kongreso at ehekutibo na amyendahan ang National Building Code.