Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng revetment wall sa kahabaan ng Talinga River Basin sa Zamboanga Del Norte.
Mas maaga ito ng isang buwan mula sa itinakdang completion date nito.
Dahil dito, protektado na ang mga residente ng Barangay Talinga na isang flood prone area.
Bukod dito, magsisilbi ring depensa ang naturang pader mula sa pagbaha at pag-apaw ng Talinga River.
Inaasahan din na dahil sa naturang proyekto ay mas kakaunti na ang pinsalang maiiwan ng mga bagyong tatama sa low lying areas sa naturang baranggay.
Tinatayang nagkakahalaga ng 25 milyong piso ang flood control project na ito ng DPWH.