TUMAAS ng 2.2% ang kabuuang bilang ng exports sa Pilipinas noong Setyembre kumpara noong nakaraang taon.
Ito ang kauna-unahang pagtaas ng Philippine export sa taong 2020 mula noong Pebrero.
Ayon sa Philippine Statistics Office, resulta ito ng unti-unting pagbubukas ng pamahalaan sa import at export ng bansa bilang pagtugon sa huminang ekonomiya dulot ng pandemya.
Gayunman aabot pa rin sa 1.7 bilyong dolyar ang kabuuang deficit ng mga bansa sa Southeast Asia laban sa 7.9 bilyong dolyar na halaga ng imports.
Sa ngayon ay nangunguna pa rin ang China bilang pinakamalaking supplier ng imported goods na sinundan ng Japan, South Korea, Amerika at Indonesia.