Sa Executive Order No. 118, pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) ang accessibility at affordability ng COVID-19 testing sa bansa.
Inatasan ng pangulo ang DOH at DTI na tukuyin, bumuo at magpatupad ng patas at tamang price range ng COVID-19 test at test kits na ginagamit ng mga ospital, laboratoryo at iba pang health facilities.
Nakasaad sa EO na maaring bawian ng ahensya ng accreditation ang hindi susunod sa price range.
Matatandaang una nang nagreklamo ang ilang overseas Filipino workers dahil sa mahal na COVID-19 testing sa mga pribadong laboratoryo na umaabot hanggang sa 20,000 pesos.