Photo Credit: YOOREKKA
Umaasa ang Palasyo na sisipa ang ekonomiya ng bansa sa pagpasok ng Kapaskuhan.
Ani Presidential Spox. Hary Roque, masasalamin na aniya ito sa sitwasyon sa mga nagdaang araw sa bahagi ng Divisoria na siyang dinarayo ngayon ng mga mamimili.
Gayundin sa iba pang mga tianggian at pamilihan na pinupuntahan ng mga tao upang mamili ng panregalo ngayong holiday season. Maging aniya ang Baguio City ay dinagsa ng mga mamimili nang magdaos ng isang araw na night market.
Kaugnay nito ay muling nagpaalala ang kalihim sa pagsunod sa mga umiiral na health protocol at pagiging maingat upang maging ligtas mula sa sakit.
Paalala ng tagapagsalita ng Pangulo, nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 at hindi pa rin dumarating ang bakuna na inaasahang darating pa lang sa unang quarter ng taon kung kaya’t ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan.