Itinatanggi ni Eduard Folayang ang mga kumukuwestyon kung siya ay magreretiro na sa mixed martial arts.
Ayon sa two-time former ONE Lightweight World Champion, alam niya na marami ang nag-iisip na dapat na siyang magretiro at naiintindihan niya ang mga ito ngunit ang salitang retirement aniya ay wala sa kanyang bokabularyo.
Naniniwala rin ito na marami pa siyang potensyal na maaring ibahagi.