Pina-aalalahanan muli ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na huwag mag-alala tungkol sa kaligtasan ng COVID-19 vaccine.
Inihayag ito ni Duque habang nire-review ang vaccination plan ng Taguig City.
Ayon pa kay Duque, ang mga bakuna na gagamitin ng bansa ay aprubado ng Food and Drug Administration, Health Technology Assessment Council, Vaccine Expert Panel at ng mismong Department of Science and Technology.
Ani Duque, ang mga bakuna na ituturok sa mga Pilipino ay dekalidad at ligtas.
Matatandaang, inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na inaasahang darating sa bansa ang mahigit sa isang milyong doses ng COVID-19 vaccine ngayong buwan ng Pebrero.
Ang naturang mga bakuna ay AstraZeneca, Pfizer at Sinovac.
Samantala, tiniyak naman ng secretary na dadaan sa medical screening ang lahat bago ito babakunahan.
Bukod pa rito, imomonitor din ang isang nabakunahan kung ito ay may mararanasang side effects.