Naglunsad ang Dubai ng cashless framework report para sa lahat ng transaksyon.
Ang Dubai cashless framework report ay naglalayong itaguyod ang paggamit ng Smart payment sa lahat ng transaksyon at maalis na ang paggamit ng cash.
Ito rin ay bahagi ng pagsisikap upang suportahan ang full digital transition ng Dubai.
Ang inisyatibo na ito ay pinagsama-sama ng Smart Dubai, Department of Finance, Supreme Legislative Committee, Dubai Economy, Dubai Police, Dubai Economic Security Center, Dubai Chamber at Dubai Tourism and Commerce upang himukin ang isang ligtas at maayos na paglipat patungo sa isang cashless na lipunan sa Dubai.
Ang pagpapatupad ng cashless ay magdudulot ng pakinabang mula sa ekonomiya hanggang sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan at residente.
Ayon kay Younous Al Nasser, Assistant Director General ng Smart Dubai at CEO ng Dubai Data Establishment, ang paglipat sa cashless ay kumakatawan din sa hinaharap na transaksyon at komersyo sa ika-dalawampu’t isang siglo.