INANUNSYO ng Islamic Affairs and Charitable Activities Department na maglalaan ang Dubai ng araw para sa isang cultural interaction.
Ang special na araw na ito ay magiging taunang pagdiriwang na rin.
Ang lahat ng tao na may iba’t ibang nasyonalidad at background mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay magkikita virtually sa pamamagitan ng isang online platform at ibabahagi ang kanilang kaalaman ukol sa kultural at relihiyosong paniniwala.
Ayon sa mga awtoridad, ang araw na ito ay mula sa pananaw ni Sheikh Mohammed Binrashid Al Maktoum, Vice President, Prime Minister ng UAE at ruler ng Dubai na kinakailangang ipresenta ang paniniwala ng isa’t isa para sa pagkakaisa.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito ay mas magiging bukas ang komunikasyon ng mga bansa na may iba’t ibang kultura.
Aniya, ang Dubai ang kauna-unahang global city na tumanggap ng aabot sa dalawandaang nasyonalidad na mayroong iba’t ibang pananaw at kultura.