Photo Credit: pcoo.gov.ph
BAGO pa man tumama ang bagyong Rolly, mayroon ng stockpile at standby fund ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na aabot sa 884-M sa kanilang central at field offices.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang regular press briefing sa Malakanyang.
Kabilang na rito ang mahigit 260-K family food packs na naka-position na sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa ngayon, mahigit 6.6 million pesos na ang naipamahagi ng DSWD sa 269,507 katao sa 2,671 evacuation centers.