Photo Credit: PNA
Palaging nakahanda ang Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ito ang binigyang linaw ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa sinasabi ng ibang kritiko na kulang ang aksyon na ginawa ng pamahalaan para sa nasalanta ng nagdaang mga bagyo.
May sapat na pagkukunan aniya ang DSWD na pantugon sa lahat kung sakaling may mga di inaasahang mga pangyayari.
Sa katunayan nga umano, nakahanda ang Department of Budget and Management na dagdagan ang quick response fund ng isang ahensya kung sakaling paubos na ito.
Samantala, ibinahagi ni Spokesperson Dumlao na umabot na sa 82.7 million pesos ang naibigay ng ahensya na tulong para sa nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Regions 1, 2 at 3, Calabarzon, MIMAROPA, Region 5, CAR at NCR.