Tapos na ang dalawang flood control project ng DPWH sa Pangasinan.
Ayon kay District Engineer George DC. Santos, asahang mapoprotektahan ng naturang proyekto ang buhay at kabahayan ng mga residente na nakatira malapit sa ilog at sa mga low-lying areas ng barangay.
Nagkakahalaga ng P46.5 milyon ang naunang proyekto sa Agno River sa Barangay Guzon, Tayug, Pangasinan habang nagkakahalaga naman ng P27.9 milyon ang isa pang proyekto sa Banila River sa Barangay Barat, Imingan, Pangasinan.