LARAWAN MULA SA EXPLORE BY TRAVELOKA
GAGAWING mandatory ng Department of Transportation (DOTr) ang TRAZE Contact Tracing App sa mga paliparan ng bansa.
Ito ang iginiit ni Civil Aeronautics Board o CAB Executive Director Carmelo Arcilla ngunit hindi naman anila agad-agad itong ipatutupad dahil magkakaroon pa sila ng isang buwan na information dissemination campaign ukol sa nasabing app.
Para naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Chief of Staff Atty. Danjun Lucas na maaari pang gumamit at magfill-up ng manual contact tracing form bago pa ang Nobyembre 28 kung saan magiging mandatory na ito.
Para naman umano sa walang mga gadgets na mananakay, magtungo lang sa mga Malasakit Health Desks sa mga paliparan at magparehistro.
Bibigyan ang nasabing indibidwal ng print out ng QR code at maaaring ipa-scan nalang ito sa kanyang kapitbahay o kamag-anak na may gadget.
Magiging mandatory ang naturang app sa apat na major airports ng Pilipinas gaya ng Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, Mactan Cebu International Airport at Davao International Airport.