Naantig ang puso ni Donnalyn Bartolome sa mga netizens na nanghihingi ng tulong online kaya naman napagdesisyunan nitong magtungo nang personal sa Marikina City at ibang bahagi ng Rizal para maghatid ng rescue boat.
Nasaksihan ni Donnalyn ang pinsala ng hagupit ng Bagyong Ulysses.
Ayon sa actress marami daw nag-memessage sa kanya at nanghihingi ng tulong.
Paglalarawan ni Donnalyn “life and death” na talaga ang lagay ng mga na-stranded dahil sa taas ng tubig.
Sa pamamagitan ng FB live nanawagan at nanghingi ng tulong si Donnalyn at sinabing marami pa raw ang hindi pa narerescue at nangangailangan ng tulong.
Natuwa naman ang netizens sa initiative ni Donnalyn na tumulong sa mga nangangailangan.