NANAWAGAN si Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Health (DOH) na huwag nang gumamit ng rapid anti-body test para sa COVID-19.
Ayon kay Rodriguez, inaccurate ito dahil antibodies lamang ang nadedetect ng rapid test at hindi mismo ang presensya ng virus sa katawan ng tao at banned aniya ito sa maraming bansa tulad ng Australia, Dubai at India.
Sa halip, inihain naman ni Rodriguez ang House Resolution No. 1146 para ipromote ang paggamit ng Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) swab test bilang ‘gold standard’ para sa COVID test sa bansa.
Giit ni Rodriguez, ang virus mismo ang nadedetect ng RT-PCR test kaya mas tiyak aniya ang resulta nito.
Sa kabila ng inaccuracy ng rapid test, nababahala si Rodriguez na maraming business establishments ang gumagamit ng rapid test para masuri ang mga empleyado nitong magbabalik sa trabaho.
Aniya “Ang resulta base sa mga sinabi ng mga eksperto ay hindi talaga accurate yung rapid testing. Kasi may mga positive na false positive pala meaning wala palang sakit. May mga false negative din na negative na pag e-swab mo may COVID-19 pala. So almost of the medical community are saying na medyo useless ito dahil ang accuracy nito is only 30-50%. While yung accuracy ng RT-PCR yung swab talaga ay nasa 90-95%. So dapat hindi na gagamitin yan.”