Maglalaan ang Department of Agriculture (DA) ng apat na bilyong piso para sa social protection ng mga magsasaka.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang apat na bilyong piso mula sa 24-billion pesos stimulus package allocation para sa DA sa ilalim ng Bayanihan To Recover as One Act ay naitabi na para sa social protection.
Ayon din sa kalihim, ipamamahagi ito bilang cash at food assistance para sa mga hindi nakatanggap ng kanilang social amelioration program (SAP). Ang makatatanggap ng nasabing SAP ay ang mga coastal fishers, upland farmers, corn at coconut farmers at maging ang mga indigenous peoples o IPs.