Kinumpirma ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na maaari nang umalis ng bansa ang mga bagong hire na mga Pinoy o mga manggagawa sa medical sector na mayroon nang kontrata.
Kasunod ito ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na alisin na ang deployment ban sa mga nurse at iba pang medical worker.
Matatandaan na hiniling ng mga ambassador ng Germany, United Kingdom at Italy na tanggalin ang naturang deployment ban dahil matindi ang kanilang pangangailangan ng mga Pilipinong nurse.
Maliban sa mga nurse, kasama rin sa inalis ang deployment ban ang mga medical worker, doktor, dentista at iba pa.
Gayunman, nilinaw ni Bello na nasa limang libong manggagawang Pilipino mula sa medical sector ang pinapayagang lumabas ng bansa taon-taon.
Aniya ang deployment cap ay magiging subject ng regular review at maaari itong taasan sakaling bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nais lamang umano ng pamahalaan na matiyak na hindi hahantong sa panahon na lumala ang COVID-19 pagkatapos ay nasa ibang bansa na ang mga nurse at medical worker.
Mga dayuhang asawa, anak ng Filipino citizens at balikbayan, maaari nang makapasok sa bansa
MAAARI nang makapasok sa Pilipinas ang mga dayuhang asawa at anak ng mga Filipino citizen at mga balikbayan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinayagan na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Gayunman, sinabi ni Roque na subject ang mga ito sa ilang kondisyon gaya ng dapat ay may visa free-entry sa ilalim ng Executive Order No. 408, Series of 1960.
Dapat din aniya na may pre-booked quarantine facility at pre-booked COVID-19 testing ang mga ito sa laboratory na nag-ooperate sa paliparan at subject din sila sa maximum capacity ng inbound passengers sa port at date of entry.
Inatasan naman ng IATF ang Bureau of Immigration na bumuo ng kinakailangang guidelines para matiyak ang maayos na pagpapatupad ng polisiya.
Habang inatasan din ang Department of Tourism na mag-isyu ng mga kinakailangang guidelines para sa probisyon ng sapat na accommodation para sa mga nabanggit na mga tao na ikokonsidera ang petsa ng pag papalabas ng kanilang COVID-19 test results.
Sen. Go, nanawagan na dinggin ang kahilingan ng paglikha ng ahensiya para sa mga OFW
NANAWAGAN si Senator Lawrence “Bong” Go sa kapwa mambabatas at mga executive official na dinggin ang kahilingan ng paglikha ng isang departamento na tutugon sa lahat ng mga pangangailangan ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs).
Ayon kay Go, marami sa mga Pilipino sa ibang bansa ang apektado ng COVID-19 pandemic kaya dapat may departamento na tumututok sa kanila.
Dagdag pa ni Go, na dapat hindi na kailangan pang manawagan ang mga OFW ng tulong sa mga radio station o sa Facebook.