MALABO pang alisin ang deployment ban sa mga health worker na nais magtrabaho abroad.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng apela ng mga healthcare workers na alisin na ang deployment ban.
Ayon kay Roque, suporta ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang deployment ban maliban kay Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin.
Paliwanag ni Roque, concern lang sila sa kalusugan ng mga frontliners.
“We are number 22 in the world for COVID-19 cases. At sigurado po ako, lahat ng gustong magtrabaho sa abroad are going to places na mas marami pa pong kaso ng COVID. So, it is to protect the health and lives of frontliners, primarily. Secondary yung our own nurses and medical professionals in this country,” ayon kay Roque.