Nasa 365,000 na native trees ang nakatakdang itanim sa IPO watershed sa Norzagaray, Bulacan sa susunod na taon ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Base sa pahayag ng DENR, ang IPO watershed na nagsusuplay ng malinis na tubig sa nasa 20 milyong katao na naninirahan sa Metro Manila ay tataniman ng daan-daang libong puno sa susunod na taon.
Libu-libong endemic trees gaya ng narra, lauaan, kupang, at yakal ay inaasahang itatanim sa oras na tanggalin na ang restrictions para sa COVID-19 sa susunod na taon.
Naging posible ang inisyatibong ito dahil sa mga donasyon mula sa GCash, DENR, at Biodiversity Finance Initiative (BIOFIN) ng United Nations Development Programme’s at ng World Wide Fund for Nature (WWF).
Ayon pa sa departamento, tataas ang demand sa tubig ng Metro Manila ng hanggang 13% sa kalagitnaan ng peak days. Ibig sabihin, mas maraming mawawalan ng tubig ngunit maaari itong maiwasan kung maaalagaan ang mga watersheds.