Sinabi ni actor Daniel Padilla ang mga plano niya sa buhay sa isang virtual conference para sa kanyang digital concert na “Apollo” at kasama dito ang pakasalan ang kanyang long-time girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Ayon kay Daniel, beach wedding ang dream wedding niya at gusto niyang magpakasal bago siya tumuntong ng trenta anyos.
Dagdag pa ng aktor, ayaw na niyang papatakin sa 30s dahil mabilis na daw ang oras ngayon. Natulungan umano sila nang pandemya na ma-assess ang kahandaan nilang dalawa ni Kath sa pagpapamilya at nakita niya kay Kath na handa na itong maging asawa niya.
Samantala, sinabi rin ng aktor na kailangan pa nilang mag-ipon para kapag dumating na ang tamang panahon na bubuo na sila ng sarili nilang pamilya ay hindi nahahati ang oras sa pamilya at trabaho dahil marami na silang naipon.