Ngayong may pandemya, kahit na anong magpapangiti sa atin ay napakaimportante. Ito’y nagpapaalala sa bawat isa na kailangang tuloy pa rin ang buhay.
Matagal nang pinauso noon ng mga traffic enforcer ang pagsasayaw habang nagmamando ng trapiko.
Dahil sa nauuso ngayon ang ‘drop your photo challenge’, para naman kay Jerimy Cafugauan Bayucan ng Ilagan City, Isabela, tinawag niya itong #drop_your_workdance_challenge at hinamon ang mga kaibigan.
Sa video, maririnig na may pinatugtog siyang kanta at lalo pa itong nakaka-good vibes dahil sa mga kantang pampasko.
Maraming netizens naman ang natuwa sa video dahil anila walang ibang mag-aangat ng ating kalagayan kundi tayo-tayo rin.
Salamat sa walang pagod na pagpapasaya ng ating mga traffic enforcer dahil kahit papaano ay nagdudulot ito ng kasiyahan.